Cambodia, nagsimula na sa 4th round ng pagbabakuna

Cambodia, nagsimula na sa 4th round ng pagbabakuna

PATULOY na pinalakas ng Cambodia ang pagbabakuna sa ika 4th round ng pamamahagi nito kasunod ng tumataas na kaso dahil sa Omicron variant.

Una sa nakatanggap ng additional boosters ang high risk groups kabilang na ang frontline at medical workers.

Pati si Prime Minister Hun Sen ay tumanggap rin ng booster shot.

Hinimok naman ng punong ministro ang lahat ng residente na maging fully vaccinated na at tumanggap ng booster shots para maiwasan na ang transmisyon.

Matatandaan na mula noong Nobyembre ng nakaraang taon ay muli nang binuksan ng bansa ang border nito para sa turismo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *