Cambodia, naglabas ng bagong panuntunan para sa mga papasok na manlalakbay

Cambodia, naglabas ng bagong panuntunan para sa mga papasok na manlalakbay

NAGLABAS ng bagong guidelines ang Cambodia para sa mga manlalakbay na papasok sa bansa.

Inilabas ng Cambodia ang mga bagong panuntunan sa manlalakbay, implementasyon ng health measure at quarantine para sa mga manlalakbay na papasok sa bansa alinsunod sa new normal.

Para sa mga fully vaccinated na manlalakbay, kinakailangang magpakita ng COVID-19 vaccination certificate o negative COVID-19 PCR test na kinuha makalipas ang pitumput dalawang oras.

Kinakailangan ring sumailalim sa rapid test sa checkpoint at hintayin ang resulta.

Kung ikaw ay negatibo sa COVID-19 ay malaya kang makapaglalakbay sa buong bansa nang hindi na sumasailalim sa quarantine, ngunit ang mga positibo sa COVID-19 ay maaaring i-refer sa mga clinic na awtorisado ng ministry of health.

Para naman sa mga indibidwal na hindi pa bakunado, kinakailangang ding sumailalim sa rapid test at sumailalim sa 14 day quarantine kahit negatibo ang resulta.

Sakaling kailanganin ng visa para makapaglakbay sa Cambodia, maaaring mag-apply ng valid visa ang mga manlalakbay  alinsunod sa hakbang ng immigration law at kailangan itong isagawa bago magtungo sa bansa dahil hindi tumatanggap ng visa on arrival ang pamahalaan.

Hinihikayat naman ng bansa ang lahat ng dayuhang turista na bumili ng health insurance na maaaring mabili sa insurance consortium ng Cambodia.

Samantala, ang fully vaccinated na manlalakbay na kasalukuyang naka-quarantine sa mga quarantine center, hotel o tahanan ay pinahihintulutan nang  tapusin ang quarantine kung negatibo na ang resulta ng antigen test.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *