Cambodia, magho-host ng AFF U-23 championship 2022

Cambodia, magho-host ng AFF U-23 championship 2022

MAGHO-HOST ang bansang Cambodia ng AFF U-23 championship 2022.

Nakatakdang ilunsad sa Cambodia ang ASEAN Football Federation o AFF U-23 championship isa sa pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong Football event sa Southeast Asia.

Inihayag ng Football Federation of Cambodia na napili itong mag-host ng susunod na edisyon ng ASEAN Football Federation U-23 championship.

Nakatakdang ganapin ang torneo mula Pebrero 14 hanggang 26 sa susunod na taon.

Gaganapin ito sa Morodok Techo National Stadium at Prince Stadium sa Phnom Penh.

Samantala, ito ang kauna-unahang International game na gaganapin sa pinakabagong sports facility ng Cambodia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *