Edgardo Tallado
National Regional

Camarines Norte Governor, Edgardo Tallado, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

SINAMPAHAN ngayong araw ng kaso sa Ombudsman ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) si Camarines Norte Governor, Edgardo Tallado dahil sa paglabag sa Republic ACT 11032 o ang Ease of Doing Bussiness Act of 2018.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica,inireklamo si Gov. Tallado nang pang-iipit ng government transactions sa kaniyang tanggapan ng walang dahilan.

Ayon kay Belgica, nilabag ng opisyal ang sections 21 D at E ng batas dahil bigo nitong tugunan ang standard government processing time o ang 3-7-20 protocol sa para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.

Nagpapatupad naman ng Two-Strike Policy ang ARTA sa lahat ng mga makakasuhan nito sa Ombudsman depende sa resulta ng gagawing imbestigasyon nito.

Para sa first offense, mahaharap sa anim na buwang suspensyon ang akusado habang administrative and criminal liablity naman ang kakaharapin nito sa second offense o dismissal from the service, perpetual disqualification from holding public office, pagkakabilanggo ng anim na taon at multang hindi bababa sa P500,000 – P2M.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *