Cainta, Rizal, sasailalim din sa community quarantine

Cainta, Rizal, sasailalim din sa community quarantine

NAGDEKLARA na rin ang pamahalaang lokal ng Cainta, Rizal na sasailalim sa community quarantine simula Marso 15.

Inanunsyu ni Mayor Keith Nieto ang kanyang deklarasyon sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Ayon sa punongbayan, kailangan nila ng municipal wide quarantine dahil nakapagtala sila ng tatlong positibo ng COVID-19.

Kasunod narin ito sa deklarasyon ng ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kagabi na mag-community quarantine ang local government unit(LGUs) kung may dalawang kaso ng virus sa lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *