“no-fly zones”
National

CAAP, magpatutupad ng “no-fly zones” para sa SEA Games sa Nob. 30 – Dis. 11

MAGPATUTUPAD ng “no-fly zones” ang Civil Aviation of the Philippines (CAAP) para sa 30th Southeast Asian Games.

Sa inisyung Notice to Airmen (NOTAMS) ng (CAAP), ipatutupad ang “no-fly zones” mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa palibot ng mga lugar ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan at New Clark City sa Pampanga kung saan gagawin ang SEA Games.

Ibig sabihin, limitado ang lahat ng aircraft operation sa loob ng 3 nautical miles at lilimitahan ang general aviation flights sa loob ng 40 nautical miles ng Philippine Area at New Clark City mula alas 6 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi na magiging epektibo sa kasagsagan ng opening at closing ceremonies ng mga laro.

Kasama rin sa no-fly zones ang restrictions sa paggamit ng unmanned aircraft vehicles o drones.

Humingi naman ang CAAP ng kooperasyon sa publiko sa implementasyon kasabay ng pagtitiyak na hindi maapektuhan ng pag-isyu ng NOTAMS ang airline operations sa Clark International Airport.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *