Burial assistance para sa mga COVID-19 fatalities sa Naga, muling binuksan

Burial assistance para sa mga COVID-19 fatalities sa Naga, muling binuksan

NAGBIBIGAY ang Naga City Government sa mga pamilyang namatayan dahil sa COVID-19 at ilang paaralan sa lungsod muling binuksan upang gawing isolation and treatment facility dahil sa kakulangan ng COVID wards ng mga ospital sa lungsod.

Ayon kay Annabelle Vargas, Head ng City Social Welfare and Development (CSWDO), aabot sa halagang 15 hanggang P25,000 ang ibinibigay ng ahensya ngunit nagdedepende pa rin ito sa kalagayan sa buhay ng isang biktima.

Nilinaw din ng ahensya na magdedepende pa rin sa pamilya ng namatay kung anong sistema sa paglilibing gaya ng sementeryo o cremation ang isasagawa sa kanilang namayapang mahal sa buhay.

Samantala, dahil sa tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na COVID-19, nagkakaroon na ng kakulangan ng mga COVID wards sa mga ospital ng lungsod kaya’t muling bubuksan ang Sta. Cruz High School upang gawing isolation and treatment facility para sa mga may moderate at severe symptoms na mga pasyente.

Ang pasilidad ay may 40 bed capacity na magiging dagdag sa 40 beds ng City College of Naga o CCN isolation and treatment facility at 10 beds pa para sa Our Lady of Lourdes Infirmary maliban pa rito ang 400 beds capacity quarantine facility sa Camarines Sur National High School, Liboton Campus.

Sa ngayon umabot na sa 377 ang nairehistrong kaso ng COVID-19 sa buong Bicol Region, 135 rito ay mula sa Camarines Sur, 33 ay mula sa Naga City, 129 sa Albay, 7 sa Camarines Norte, 20 sa Catanduanes, 65 sa Masbate, at 20 mula sa Sorsogon.

(BASAHIN: Work suspension at mustering of troops, isinagawa sa Naga City)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *