National

Bureau of Immigration, nilinaw na hindi pa maaari ang non-essential travels

BALIK-OPERASYON na ang international flights sa NAIA Terminal -3 pero nilinaw ng Bureau of Immigration na ang inilabas na guidelines para sa non -essential travel mula sa Malakanyang ay hindi pa epektibo.

 

Ayon sa Bureau of Immigration na ang bagong inilabas na non -essential travel mula sa Malakanyang ay hindi pa epektibo ngayon.

 

Ayon kay Griftom Medina ang chief of port of operation ang mga inilabas na guidelines ng IATF ay may mga limang condition na dapat sundin at maipatutupad lamang ito labing limang araw matapos isapubliko.

 

May mga leisure trip pa rin na hindi pinapayagan na magbiyahe ang mga mananakay.

 

Sa ngayon, habang hindi pa epektibo ang mga naturang guidelines ang tanging pinapayagan pa lamang umalis ng bansa ay ang foreign nationals, overseas Filipino workers, permanent resident, at mga estudyante.

 

At para sa inbounds ay ang asawa at anak ng Filipino nationals, diplomats , holders of government issued foreign governments and international organizations, foreign crew at mga Filipino nationals.

 

Samantala, naging maluwag na rin ang pagtanggap ng mga  pasahero sa unang araw ng pagbabalik operasyon ng international flights sa NAIA Terminal-3.

 

Sa unang araw ng biyahe ng NAIA T-3 para sa international flights, kabilang ang Cathay Pacific, All Nippon Airways, KLM Royal Dutch Airlines, Qatar Airways at Emirates Airlines pa lamang ang operational habang pansamantala munang suspendido ang Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways,  United Airlines at Air Asia  para sa kanilang international flights.

 

Gayunpaman,  ilan sa mga mananakay na naipit ng pandemic ay makakaalis na rin ngayong araw.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close