Bureau of Immigration
National

Bureau of Immigration, naka-alerto dahil sa ulat ng teroristang papasok sa bansa

NAKAALERTO na ang Bureau of Immigration (BI) sa galaw ng tatlong indibwal na lumalabas bilang potential terrorists mula sa isang Asian country na planong pumasok sa Pilipinas.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, isa sa tatlong pangalan na umano’y terorista ang dumating na sa bansa pero iprinesenta ang kanyang sarili sa National Bureau of Investigation (NBI) at pinabulaan na may koneksyon sa anumang terorista.

Sinabi ni Guevarra na batay sa impormasyon mula sa BI ay wala pang arrival records ang dalawang iba pang pangalan.

Una nang ipinag-utos ng Justice Chief sa NBI na i-validate ang impormasyon ukol sa umano’y terror plot sa Northern Luzon.

May hanggang katapusan naman ng Agosto ang NBI para magsumite ng kanilang initial report.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *