Buong NCR maliban sa Maynila nasa alert level para sa COVID-19 —DOH

Buong NCR maliban sa Maynila nasa alert level para sa COVID-19 —DOH

NASA pinakamataas na alert level para sa COVID-19 ang lahat ng lokalidad sa National Capital Region (NCR) maliban lang sa lungsod ng Maynila ayon sa Department of Health (DOH).

Inihayag ng DOH na 16 sa 17 lokalidad sa NCR ay nasa pinakamataas na COVID-19 alert level.

“All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4,” ayon sa pag-aanunsiyo ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Klasipikado bilang nasa moderate to high risk ang mga lugar na nasa Alert Level 4 at mahigit 70% ng okupado ang kanilang hospital beds.

Ayon kay Vergeire, lahat ng lugar sa Metro Manila ay may positive two-week growth rate at high-risk na average daily attack rate.

Nasa high-risk rin ang case classification ng buong rehiyon.

“In NCR, the 7-day moving average shows continuous increasing trend as cases in the recent 7 days have exceeded the previous 7 days by 574 cases,” ani Vergeire.

Ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 na may 7,800 hanggang Setyembre 5.

Sinundan ito ng Maynila na may mahigit 5,000 cases.

Ngunit pagdating sa healthcare utilization rate, ang naturang lungsod lang ang may mababa pa sa 70% occupancy kung kaya’t nasa Alert Level 3 ito sa kasalukuyan.

Sa kabuuan, ang healthcare system capacity ng NCR ay nasa high risk.

Lampas 4,900 naman ang bilang ng mga panibagong kaso bawat araw.

Mula Setyembre 8 hanggang 30 isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila habang nakatakda ang pilot test ng localized o granular lockdowns ayon sa Malacañang.

Nanatili naman sa high risk classification para sa COVID-19 ang buong bansa.

BASAHIN: PNP, naghahanda na para sa ‘granular’ lockdowns; Metro Manila isasailalim sa GCQ

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *