Sports

Bulls dinaig ang Celtics sa Game 2 ng playoffs

 


Ipinahiya ng Chicago Bulls ang No.1 seed Boston Celtics sa homecourt nito matapos talunin sa Game 2 ng National Basketball Association (NBA) playoffs, sa score na 111-97.
Pinangunahan nina Jimmy Butler at Dwyane Wade ang Bulls na kapwa gumawa ng 22 points para ilampaso ang Celtics.
Hindi naman umubra ang 20 points ni Isaiah Thomas para maibangon ang Celtics.
Matatandaang bago magsimula ang NBA playoffs ay namatay ang nakababatang kapatid ni Thomas sa car accident sa Washington, kung kaya’t apektado ang laro nito.
Ang Celtics na ang pangalawang No.1 seed na natalo sa unang dalawang laro sa NBA playoffs.
Magaganap ang Game 3 sa homecourt ng Bulls, kung saan ay tatangkain ng Celtics na makakuha ng panalo para hindi malaglag sa first round ng NBA playoffs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *