Bulkang Kanlaon sa Negros, isinailalim sa Alert Level 1

Bulkang Kanlaon sa Negros, isinailalim sa Alert Level 1

NASA Alert Level 1 na ngayon ang Bulkang Kanlaon ayon sa DOST-Phivolcs.

Naitala ng monitoring network na may dalawang pagyanig sa Bulkang Kanlaon sa loob ng 24-oras na obserbasyon.

Naobserbahan din ang paglabas ng sulfur dioxide at ang pagsira ng hugis ng lupa.

Nagbabala ang DOST-Phivolcs sa publiko kaugnay sa abnormal na kondisyon at hindi karaniwang aktibidad ng nasabing bulkan.

Kaya ipinayo ng ahensiya na iwasang pumasok sa apat na kilometrong radius permanent danger zone (PDZ) dahil may posibilidad na malanghap ang nakamamatay na usok nito at ang muling pagsabog ng bulkan.

Samantala, pinayuhan din ng Civil Aviation Authorities ang mga piloto na umiwas sa paglipad malapit sa tuktok ng bulkan.

Patuloy na minomonitor ng DOST-Phivolcs ang mga kilos ng bulkan kung ano ang lagay nito sa ngayon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *