Build, Build, Build Program
National

Build, Build, Build Program, isa sa mga nagbigay ng job opportunities

ANG Build, Build, Build Program ng Administrasyong Duterte ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng unemployment rate nitong buwan ng Abril.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa panayam ng DZAR Sonshine Radio at SMNI News.

Aniya, magbigay ng maraming job opportunities sa mga Filipino ang naturang programa ng pamahalaan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 5.1% ang unemployment rate nitong Abril, kumpara sa 5.5% noong April 2018.

Kaugnay nito, naniniwala rin si Bello na mas bababa pa ito sa mga susunod.

Dagdag pa ng kalihim na patuloy ang pagsisikap ng gobyerno para mapaganda ang employment rate sa bansa sa pamamagitan ng mga programa ng gobyerno.

“Create more job opening, provide a better working condition and better working employment benefits para sa ganun ay hindi lamang gaganda ang ating employment rating pati na rin yung underemployment rating natin ay mababawasan,” ayon pa kay Bello.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *