Pantawid Pamilya Pilipino Program
Uncategorized

Budget sa Pantawid Pamilya Pilipino Program sa 2020, target taasan

PLANO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na taasan ang pondo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps sa 2020.

Ayon sa DSWD, target nila na madagdagan ang ibinibigay na tulong sa mga Pilipinong nangangailangan sa pagpasok ng 2020.

Sa pagharap ng DSWD officials sa budget hearing kahapon, sinabi ng mga ito na nais nilang iakyat sa P158.5-bilyon ang pondo para sa 4Ps.

Mas mataas ito ng 12.16-percent o katumbas ng P108-bilyong pondo ng 4Ps ngayong taon.

Paliwanag ng DSWD, umakyat na sa 4.1-milyon ang bilang ng mga pamilyang benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer Program kaya dapat lang na taasan na rin ang pondo para rito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *