BTS nakuha ang dalawang top spot sa Billboard Hot 100

BTS nakuha ang dalawang top spot sa Billboard Hot 100

KOREAN hottest boy group BTS patuloy na pinapangunahan ang top spot sa Billboard Hot 100.

Magugunita na magmula ng ilabas nila ang single na Dynamite ay agad-agad itong pumuwesto sa Billboard hot 100 at naging Number 1 pa nga sa mahigit dalawang linggo.

Kaugnay nito as of October 17 ng billboard nangunguna pa rin ang Savage Love na may partisipasyon ni Jawsh 685 x Jason Derulo x BTS.

Patunay lamang ito na patuloy na gumagawa at nagbe-break ng record ang boygroup sa buong mundo at sa buong Estados Unidos.

Samantala, nakatakda namang mag comeback ang BTS sa kanilang new album na “Be” Deluxe Edition sa darating na Nobyembre 20.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *