BTS “Life Goes On” No. 1 sa Billboard Hot 100 sa buong US

BTS “Life Goes On” No. 1 sa Billboard Hot 100 sa buong US

ISANG karangalan at kasaysayan na naman ang naitala ng biggest K-pop act BTS matapos mag No. 1 ang kanilang title track na “Life Goes On” sa Billboard Hot 100.

Ito ang kauna-unahang non-English song na nag-No.1 sa buong US at sa kahit anong genre.

Dagdag pa dito, pasok din sa Hot 100 ang 5 pang kanta na nasa kanilang comeback album na “Be” “Blue & Grey” is No. 13, “Stay” No. 22, “Fly to My Room” No. 69, “Telepathy” No. 70, and “Dis-Ease” No. 72.”

Magugunita na ito na ang pangatlong beses na nag-top sa Billboard chart ang K-pop act BTS, una ay ang kantang Dynamite, pangalawa ay ang “Savage Love (Laxed – Siren Beat)” remix collaboration kasama si Jawsh 685 at Jason Derulo.

Umabot sa 14.9 million ang US streams ng Life Goes On at 150,000 sales in the week hanggang November 26, ayon sa Nielsen Music/MRC data.

Nanatili pa rin ang Dynamite sa Hot 100 sa at kasalukuyan itong No.3.

Gayunpaman, lubos na nagpapasalamat ang BTS sa kanilang fans na lubos na nagbibigay ng suporta sa kanila lalo na’t kamakailan lang ay na-nominate din sila sa Grammy’s.

SMNI NEWS

One thought on “BTS “Life Goes On” No. 1 sa Billboard Hot 100 sa buong US

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *