Brooklyn Nets, wagi sa opening game ng 2020-2021 NBA Season

Brooklyn Nets, wagi sa opening game ng 2020-2021 NBA Season

NAGING maganda para sa koponan ng Brooklyn Nets ang pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2020-2021 NBA Regular Season.

Ito ay matapos masungkit ng koponan ang kanilang unang panalo laban sa Golden State Warriors.

Tinalo ng Nets ang Warriors sa iskor na 125-99.

Sa kanilang naging laban, simula pa lamang ng unang quarter ay dinomina na ng Nets ang kanilang laro matapos tambakan ang Golden State ng labing limang puntos.

Nanguna naman para sa panalo ng Brooklyn si Kyrie Irving na may 26 points, 4 rebounds, at 4 assists.

Habang nagdagdag ng 22 points si Kevin Durant at 20 points si Caris Levert.

Samantala, pinangunahan naman ni Stephen Curry ang Warriors na may double-double na 20 points at 10 assists.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *