Brazil, panalo ng bronze medal sa FIFA Futsal World Cup

Brazil, panalo ng bronze medal sa FIFA Futsal World Cup

PANALO ng bronze medal sa FIFA Futsal World Cup ang bansang Brazil.

Sa katatapos lamang na FIFA Futsal World Cup, ay natalo ng Brazil ang Kazakhstan at nasungkit ang bronze medal.

Sa score na 4-2 ay tinalo ng Brazil ang bansang Kazakhstan at iniuwi ng mga ito ang napanalunang bronze medal.

Ito ay kasunod ng pagkatalo nito laban sa Argentina noong nakaraang linggo.

Sa unang half ng laro ay agad naka score ang Kazakhstan at nagtapos ito ng walang puntos para sa Brazil.

Sa pangalawang half ay muli na namang umarangkada ang Kazakhstan at muling nakascore ngunit hindi na pumayag ang Brazil na maunahan ng kalaban at mabilis na nakapagscore si Rodrigo Hardy Arauju at naging tabla ang puntos ng magkabilang team.

Sunod na umiscore si Carlos Vagner Filho o mas kilala sa tawag na Ferrao para sa pangatlong puntos ng Brazil at tinapos naman ni Le ang laro sa score na 2 pabor sa Brazil.

Hindi man kampyeonato ang napanalunan ng Brazil ay masaya itong umuwi na dala-dala ang bronze medal para sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *