Brazil, kinumpirma ang 5 kaso ng Omicron variant

Brazil, kinumpirma ang 5 kaso ng Omicron variant

KINUMPIRMA ng Brazil Ministry of Health na umabot na sa 5 ang kaso ng Omicron variant sa bansa.

Ang unang kasong naitala ay mula sa estado ng Sao Paulo, habang dalawa sa Federal district at sa ngayon ay kasalukuyan na itong naka isolate.

Ayon sa Ministry ay pawang nakapagbakuna laban sa COVID-19 ang mga nasabing pasyente at isa lamang sa mga ito ang nakitaan ng sintomas ng virus at ang iba ay asymptomatic.

Samantala, may walo pang kaso na kasalukuyang iniimbistigahan ng mga awtoridad isa sa estado ng Minas Gerais, isa sa Rio de Janeiro, at anim naman sa Federal district.

Pahayag ni Minister of Health Marcelo Queiroga na kasalukuyang nakaalerto ang pamahalaan sa pagmomonitor sa nasabing Omicron variant sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *