Boy Abunda inaming tumangging tumakbo bilang Senador subalit posibleng tumakbo sa local position

Boy Abunda inaming tumangging tumakbo bilang Senador subalit posibleng tumakbo sa local position

INIHAYAG ni TV host Boy Abunda na tinanggihan nito ang paanyaya na tumakbo bilang Senador sa darating na 2022 National Elections.

Ayon kay Tito Boy, wala siyang lakas para tumakbo sa naturang posisyon dahil wala itong pera at wala siyang national political organization.

Bagamat walang planong tumakbo sa national position ang tinaguriang hari ng talk show, bukas naman ang kanyang pintuan para tumakbo sa local position.

Kinukonsidera ni Tito Boy ang pagtakbo sa lokal na posisyon matapos hindi na ni-renew ang prangkisa ng kanyang home network.

Komedyanteng si Pokwang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Fully vaccinated na kontra COVID-19 ang komedyanteng si Pokwang.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng komedyante ang video kung saan makikita ang kanyang sarili na nakatanggap ng pangalawang dose ng bakuna sa Taguig City.

Sa kanyang caption sinabi ng aktres na“yehey” hashtags  #vaccinated  #seconddose

Bukod kay Pokwang fully vaccinated na rin kontra COVID-19 ang mga artistang sina Iya Villania, Drew Arellano, Sharon Cuneta, Aiai Delas Alas at Alice Dixson.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *