Bomber planes
National

Bomber planes sa WPS, hindi dapat ikabahala

Walang dapat ipangamba ang publiko sa idineploy na bomber planes ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, ito ay dahil hindi naman ang Pilipinas ang target ng Chinese bombers at hindi kaaway ang China para mabahala rito.

Sinabi ni Esperon na mula nang magsilbi ang Administrasyong Duterte ay wala namang bagong inokupa ang China sa West Philippine Sea at wala ring nawalang anumang isla sa Pilipinas dahil sa umano’y militarisasyon.

Aniya, hindi lamang ang China ang may mga aktibidad sa West Philippine Sea dahil maging ang Vietnam na bahagi rin ng ASEAN ay may improvements malapit sa Kalayaan Group of Islands.

Binigyang-diin ni Esperon na ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Rise ay paggigiit ng Pilipinas sa teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *