Blake Shelton at Gwen Stefani, nagsumpaan na ng ‘I Dos’

Blake Shelton at Gwen Stefani, nagsumpaan na ng ‘I Dos’

MATAPOS ang  kumpirmadong walong buwan na engagement ng singer na si Blake Shelton at Gwen Stefani ay tinuldukan na nila ito sa pagsusumpa ng ‘I Dos’.

Talagang nakatali ng nga ang dalawa sa isa’t isa dahil noong Sabado sa Shelton’s Oklahoma Ranch, ay na-reveal doon ang isang outlet ng chapel na ipinatayo ng American country music singer at television personality-Blake Shelton kung saan ay hangad nitong pakasalan doon ang American singer at songwriter-Gwen Stefani.

Dumalo ang magulang ni Gwen na si Dennis Stefani at Patty Flynn, mga guests at musicians, pati na rin ang mga malapit na kaibigan ng dalawa sa nangyaring intimate wedding ceremony.

Ang balita sa kasal ay dumating tatlong araw matapos mag-ulat ang People magazine na nag-apply ang dalawa para sa isang lisensya sa kasal sa Oklahoma.

Matatandaan na nagkatagpo ang dalawa sa sets ng The Voice (America) noong 2015, nagkamalapitan ang dalawa sa kabila ng kanilang divorces- Shelton kay Miranda Lambert at Stefani kay Gavin Rossdale.

Pagkalipas ng taon, kinumpirma ng dalawa ang relasyon noong 2016, na parehong lumakad sa red carpets bilang pares.

Blake Shelton at Gwen Stefani
Blake Shelton at Gwen Stefani

Nito lamang October 27, 2020 ay engaged na nga ang dalawa.

Samantala, dahil sa pandemya, ginugol ng dalawa ang pagsasama sa panahon ng quarantine sa Tishomingo, Oklahoma, kung saan na rin sila ay ikinasal.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *