Black propaganda para sirain ang kredibilidad ni PRRD, malaking kabiguan —Panelo

Black propaganda para sirain ang kredibilidad ni PRRD, malaking kabiguan —Panelo

‘TOTAL failure’ kung maituturing ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang mga black propaganda ng mga taga oposisyon upang sirain lamang ang integridad at kredibilidad ng punong ehekutibo.

Ito ang naging muling birada ni Panelo sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kahit nakapokus ang mga paninira, atake, at akusasyon ng mga kritiko kay Pangulong Duterte, sabi ni Panelo hindi pa rin nagpapatinag ang presidente.

Bagkus, mas naging agresibo ang chief executive na ipagpatuloy ang kanyang mga magagandang programa at proyekto para sa ikauunlad at ikabubuti ng bansa at mamamayang Pilipino.

Patunay aniya dito ang agarang pag-aksyon ng pangulo lalo na sa mga biglaang umuusbong na problema sa bansa gaya ng kalamidad, pandemya, at iba pa.

Maliban dito, saysay ni Panelo, agresibo rin ang administrasyon na sa pagpapatuloy ng mga proyektong imprastraktura na magbibigay ginhawa sa buhay ng mga Pilipino.

Dito, naipapakita ni Pangulong Duterte ang katapatan, kagalingan, kamalikhain lalo na ang malasakit nito sa mamamayang Pilipino.

Kung maalala, binuweltahan rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Kasabay sa pagbuwelta noon ng Palace spokesman sa mga kritiko ng Presidente, ipinagmalaki ni Roque ang patuloy na itinatayong napakaraming naipatayong imprastraktura at pagtugon sa problemang dala ng COVID-19.

(BASAHIN: Sen. Go, tiniyak na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *