Bise alkalde ng Batuan Ticao Island
Regional

Bise alkalde ng Batuan Ticao Island, Masbate, patay sa pamamaril

PATAY ang bise alkalde ng Batuan Ticao Island, Masbate matapos tambangan sa Sampaloc, Maynila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Vice Mayor Charlie Yuson III.

Sugatan naman ang dalawang kasama ni Yuson na kinilalang sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte.

Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang CCTV footage kung saan nakita ang isang van na may plate number ACM 8804 na sinasabing ginamit ng mga suspek na sangkot sa pag-ambush.

Inaalam na rin ng pulisya ang motibo at ang grupo na nasa likod ng krimen.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *