Birthday pantry ni Angel Locsin, hindi dudumugin kung hindi dahil sa post nito

 Birthday pantry ni Angel Locsin, hindi dudumugin kung hindi dahil sa post nito

HINDI dudumugin ng mga tao ang Community Pantry o Birthday pantry ng aktres na si Angel Locsin kung hindi nag-post sa milyon-milyon nitong followers.

Ito ang binigyang-diin ni Brgy. Holy Spirit, Quezon City Chairman Felicito Valmocina sa panayam ng sonshine radio.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay hindi nagtagumpay ang isinagawang community pantry ni Locsin matapos masawi ang isang matandang lalaki.

Ayon kay Valmocina, dahil sa post ng actress na “anyone is welcome” ay dinumog ng libo-libong tao ang barangay nila na nagmumula pa sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila, Rizal, Pampanga at Bulacan simula alas-dos ng madaling araw.

Libo-libong katao dinagsa ang community pantry o birthday pantry ni Angel Locsin sa Holy Spirit Drive, Quezon City. Noong April 23, 2021
Libo-libong katao dinagsa ang community pantry o birthday pantry ni Angel Locsin sa Holy Spirit Drive, Quezon City. Noong April 23, 2021

Ngunit ang masaklap aniya, tatlong daan lang naman pala ang plano ni locsin na bibigyan ng food packs mula sa libo-libong nakapila.

Dagdag pa ng barangay chairman, umaga palang ay ipinaalam na nila kay Angel ang sitwasyon subalit pasado alas dos na ng hapon ito nagdesisyon na ihinto na.

“Sino ba’ng nag-imbita? Eh siya’ng ng imbita sa Facebook eh. Pagkatapos ngayong nagpuntahan sasabihin mong kaya pumunta ay nagugutom”?

“Mali ‘yung sagot mo na ‘yun para sa’kin. Hindi maganda. Nasaktan ako dun na para bang ang may kasalanan pa eh ang taumbayan na dahil sa kahirapan kaya pumunta dun.” ani Valmocina.

Sa ngayon, inihayag naman ni Valmocina na ipinauubaya na nito sa kanilang abogado ang nararapat na legal na hakbang laban kay locsin.

Filipino Actress, Angel Locsin
Filipino Actress, Angel Locsin

Nanawagan sa mga community pantry organizer ang DILG na maghanap ng paraan matulungan ang mga senior citizen sa kanilang mga bahay.

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga organizer ng community pantry na maghanap ng paraan upang hindi na kailangan lumabas ng bahay at pumila ng mahaba ang mga senior citizen.

Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, magagawa aniya ito sa tulong ng mga barangay official.

Iginiit ni Malaya na ipinagbabawal sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine(MECQ) ang paglabas ng mga senior citizen.

Inisyu ni Malaya ang apela matapos isang senior citizen na pumila sa community pantry sa Quezon City na inorganisa ng aktres na si
Angel Locsin ang pumanaw matapos himatayin.

Ayon sa ahensya na nag-isyu na si DILG Secretary Eduardo Año ng dalawang guidelines na susundin ng mga organizer.

Ilan aniya dito ay ang pakikipag-ugnayan ng mga organizer sa mga barangay official at ang pagtiyak na ang mga pipila ay mga residente ng komunidad kung saan itinayo ang pantry.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *