Binibining
Showbiz

Binibining Talisay Cebu, kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2019

NAGNININGNING ang ganda at talino ng apanapung dalagang Filipina sa ginanap na Binibining Pilipinas Coronation Night kagabi sa Araneta Coliseum.

Ngunit isang binibini ang talaga namang nangibabaw at nakapukaw ng atensyon ng mga judges at audience.

At ‘yan ay walang iba kundi ang newly crowned Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados na tubong Talisay, City Cebu.

Nanaig ang ganda at galing ni Gazini kaya naman hindi nakapagtataka na naiuwi niya ang pinak-inaasam na korona sa naturang pageant.

Bukod dito nasungkit din ng pambato ng Talisay City ang The Face of Binibini Award at Best in Long Gown.

Kinoronahan naman bilang Bb. Pilipinas-Grand International ang kapwa Cebuana nito na si Samantha Ashley Lo.

Habang itinanghal ang pambato ng pampanga na si Emma Mary Tiglao bilang BB. Pilipinas-Intercontinental.

Sasabak naman sa Miss Globe 2019 ang beauty queen na si Leren Mae Bautista na tubong Laguna.

Catriona Gray, emosyonal sa pagpasa ng korona

Bukod sa newly crowned queens, agaw pansin din sa event ang pagiging emosyonal ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naging makabagbag damdamin para sa mga pageant fans ang emotional speech at final walk ni Queen Cat kung saan nagbaliktanaw ito sa kaniyang mga pinagdaanan upang maiuwi ang ikaapat na Miss Universe Crown ng Pilipinas.

Maiyak-iyak ding nagpaabot ng pasasalamat si Catriona sa lahat ng walang sawang sumuporta sa kaniyang laban patungo sa tagumpay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *