Billiard champ Carlo Biado, handa na sa SEA Games

Billiard champ Carlo Biado, handa na sa SEA Games

PINAGHAHANDAAN na ngayon ni filipino billiard champ Carlo Biado ang pagsabak sa Southeast Asian o SEA Games sa Vietnam na posibleng magaganap sa Marso sa susunod na taon.

Ito’y matapos ang stint ni Biado sa US open championship na naipanalo nito.

Matatandaan na noong 2019 SEA Games ay nagtapos lamang sa quarterfinals si Biado.

“Kung ano iyong magiging desisyon ng team namin, kung sino ang ipapadala, okay naman ako doon,”ayon kay Biado.

Bukod sa Sea Games, pinaghahandaan na rin ng billiard champ Carlo Biado ang world games na mangyayari naman sa Hulyo 2022 sa Birmingham, Alabama.

“Itong mga ginagawa ko ngayon, sa mga sinalihan kong mga event at itong pagkapanalo ko (sa US Open 9-Ball), mala-king tulong ito. Nabigyan ako ng kumpiyansa para sa darating na SEA Games at tsaka iyong sa AIMAG,”dagdag nito.

Samantala, tinalo naman ng China ang Gilas Pilipinas womens team sa opening game ng 2021 FIBA women’s Asia cup sa Amman, Jordan.

Tinambakan ng China ang Gilas sa iskor na 143-52.

Bukas naman, Setyembre 29, makakaharap ng Gilas womens team ang Australia – ang world number 3.

Ang Gilas Pilipinas womens team ay binubuo ng mga beteranong sina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Claire Castro, Andrea Tongco, Chack Cabinbin, Ria Nabalan at Mar Prado.

Habang sina Ella Fajardo, Camille Clarin, Ann Pingol at Kristine Cayabyab naman ang mga humahataw na debut players ng team.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *