bansang Nepal
International

Bilang ng nasawi sa naranasang pag-ulan at pagbaha sa bansang Nepal, tumaas

UMABOT na sa 67 katao ang nasawi dahil sa masamang panahon na nararanasan ng bansang Nepal.

Ito ang kinumpirma ng Nepal Red Cross, kungsaan maliban sa mga nasawi ay aabot din sa higit 30 libong pamilya ang inilikas dahil sa pagbaha.

Karamihan ng nasawi ay taga-Kathmandu, Makawanur, Latitur, Rautahat at Bhojipur.

Sa ngayon, lubog pa rin sa tubig baha ang bayan ng Kalanki, Kupondole, Kuleshwor at Balkhu.

Kaugnay nito, nanawagan naman ng tulong sa international community ang Nepal para sa posibleng water-borne diseases na dala ng pagbaha at pangangailangan ng mga evacuees.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *