Ebola virus
International

Bilang ng nasawi sa Ebola virus sa Uganda, umabot na sa tatlo

UMABOT na sa tatlo ang nasawi sa Ebola virus sa Uganda matapos kumalat ang sakit mula sa Democratic Republic of  the Congo kung saan nagsimula ang Ebola outbreak.

Ayon sa Uganda Health Ministry, nasawi na ang tatlong taong gulang na biktima at ang lola nito matapos naunang namatay ang limang taong gulang nitong kapamilya noong Martes na siyang pinakaunang biktima ng sakit sa bansa.

Maliban dito ay kasalukuyang minamanmanan ang nasa 27 katao na posibleng na-expose sa virus.

Matatandaang kumalat ang virus sa bansa matapos magbiyahe ang isang mag-anak mula Congo pabalik ng Uganda noong linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *