nasawi sa dengue
Health

Bilang ng nasawi sa dengue ngayong taon, pumalo na sa mahigit 1, 200

PUMALO na sa mahigit 1,200 ang bilang ng mga nasawi sa dengue sa buong bansa.

Sa pinakahuling datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Setyembre 14, umabot na sa 307,704 katao ang naitayang may kumpirmadong kaso ng dengue kung saan 1,247 sa mga ito ang nasawi.

Mas mataas na ito ng 116% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang 2018.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng dengue cases sa Calabarzon na umabot sa 49,661 kung saan 152 ang nasawi.

Sinundan ito ng Western Visayas na may 49,068 na kaso ng dengue at 214 na nasawi habang 23,251 na kaso ang naitala sa metro manila na may 122 na nasawi.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *