coronavirus disease
Health

Bilang ng nasawi sa coronavirus disease o COVID-19, higit 1,100 na

UMABOT na sa 1,107 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus disease o COVID-19.

Batay sa report ng Chinese government, nadagdagan pa ng 94 ang bilang ng nasawi sa nakalipas na 24 oras.

Maliban dito, higit 1, 600 rin ang nadagdag sa bilang ng mga bagong kaso ang naitala dahil upang umabot na sa higit 44, 000 ang ng kaso ng COVID-19

Nasa 99% naman ng naturang kaso ay naitala sa China batay sa datos ng World Health Organization.

Sa ngayon, tanging ang Pilipinas at Hong Kong pa lamang ang nakapagtala ng nasawi sa COVID-19 sa labas ng China.

Gamot laban sa COVID-19, posibleng mailabas sa loob ng 18 buwan

Posibleng mailabas ang unang vaccine laban sa novel coronavirus sa susunod na 18 buwan o isa’t kalahating taon mula ngayon.

Ito ang inihayag ni World Health Organization Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang pulong balitaan sa Geneva, Switzerland.

Dahil dito, sinabi ni Ghebreyesus na dapat gawin ngayon ang lahat ng hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng naturang sakit.

Sa ngayon, maituturing “public enemy number 1” ang corona outbreak na nagsimula sa China.

Batay sa huling tala ng Chinese government, aabot na sa higit 1, 100 ang nasawi dahil sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *