Bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Pebrero 2021, umakyat ng 4.2-M

Bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Pebrero 2021, umakyat ng 4.2-M

PUMALO sa 4.2 milyong Filipino sa bansa ang unemployed persons o bilang ng nasa labor force na walang trabaho o negosyo nitong Pebrero 2021.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), naitala ang unemployment rate sa 8.8 percent na mas bahagyang tumaas kumpara sa naitala noong Enero 2021 na 8.7 percent o katumbas ng 4 milyong Filipino.

Samantala, naitala sa 43.2 milyon ang employed persons o bilang ng may trabaho o negosyo.

Sinabi ng PSA na mas mataas ito ng 1.9 milyon kaysa sa nai-report na 41.2 milyon ng nakaraang Enero 2021.

(BASAHIN: Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero, umabot sa 4 milyon)

Dagdag pa ng PSA na ang employment rate nitong Pebrero 2021 ay naitala sa 91.2 percent na bahagyang mababa kaysa sa naitala noong Enero 2021 na nasa 91.3 percent.

Habang ang bilang ng underemployed noong unang buwan ng 2021 ay tinatayang nasa 7.9 milyon na mas mataas ng 1.3 milyon kumpara sa nai-report na 6.6 milyon noong Enero 2021.

Ang underemployment rate nitong Pebrero 2021 ay 18.2 percent na mas mataas kaysa nai-report noong Enero 2021 na nasa 16.0 percent.

9.1-M indibidwal, nakaranas ng pansamantala o permanenteng pagkatanggal sa trabaho

Samantala, nasa 9.1 milyong mga indibidwal ang nakaranas ng pansamantala o permanenteng pagkatanggal sa trabaho sa loob ng panahon ng Mayo 2020 hanggang Pebrero 2021 o sa panahon g COVID-19 pandemic.

Batay ito sa February 2021 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, sa nasabing bilang ay nasa 75.4 percent o 6.9 milyon sa kanila ang kasalukuyang may trabaho o negosyo.

Nasa 13.5 percent o 1.2 milyon naman ang kasalukuyang walang trabaho o negosyo.

Habang 11.1 percent o 1 milyon ang mga indibidwal na kasalukuyang wala sa labor force.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *