SWS
National

Bilang ng mga Pinoy na nagsasabing sila ay mahirap, bumaba -SWS

IKINALUGOD ng Palasyo ang pinakahuling resulta ng Social Weather Station o SWS survey.

Welcome para sa Malacañang ang resulta ng SWS survey na nagsasabing bumaba ang bilang ng Pilipinong nagsasabing naghihirap sila.

Base sa self-Rated Poverty Survey ng Social Weather Station nitong Marso  nasa 38% ang nagsasabing hirap sila sa buhay na mas mababa noong Disyembre sa naitalang 50%.

Kinilala ng Palasyo ang economic managers ng administrasyon kabilang na rin ang mga miyembro ng human development and poverty reduction cabinet cluster, social welfare officers at barangay health workers sa pagpupursigi na maiangat ang buhay ng mga Pilipino.

Naniniwala ang Palasyo na patunay ito na nasa tamang landas ang mga hakbang ng gobyerno para labanan ang kahirapan sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *