NAIA
National

Bilang ng mga pasahero sa NAIA Terminal, patuloy na tumataas

Inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga susunod na araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority, lolobo pa sa pagitan ng 5 hanggang 10 porsyento ang passenger volume lalo na’t ilang araw na lamang ay pasko na.

Sa ngayon ay tumaas na ng 2 hanggang 7 porsyento ang bilang nga mga biyahero sa paliparan sa mga nakalipas na araw dahil sa holiday rush.

Ilan sa mga pasahero ay tiniis ang mahigit isang oras na pila para makapasok sa airport gate.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ay pinagbawalan nang mag-leave ang mga kawani ng paliparan ngayong holiday season.

Bukod sa electronic gates sa NAIA ay inilunsad naman ang Air Traffic Management Center sa Civil Aviation Authority of the Philippines Compound sa Pasay para makatulong sa pangangasiwa ng air traffic sa paliparan.
SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *