Southern Leyte
Health

Bilang ng mga namatay sa sakit na dengue, lalo pang tumaas

LALO pang tumaas ang bilang ng mga namatay sa sakit na dengue ngayong taon.

Sa pinakabagong tala ng Department of Health (DOH), nasa 720 na ang nasawi dahil sa dengue hanggang nitong Hulyo 27 kumpara sa 622 noong nakaraang Hulyo 20.

Habang umabot na sa 167, 607 ang kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa bansa mula sa 146,062 cases.

Kabilang pa rin sa apektadong mga lugar ay ang Calabarzon, Regions 5, 6, 7,8,9,10,12 at BARMM.

Nakapagtala ng mataas na kaso ang Region 6 na may 27,765 at Calabarzon na may 19, 732.

Patuloy naman ang pakiusap ng kagawaran sa publiko na agad magpatingin sa doktor kung nakagat ng lamok at nakakita ng sintomas ng dengue.

Samantala, pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque ang “search and destroy activity” sa compound ng DOH sa Maynila na bahagi ng anti-dengue campaign ng gobyerno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *