sa war on drugs
National

Bilang ng mga namamatay sa war on drugs, umabot na sa 5,500

SA RealNumbersPH press conference, iginiit ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na nasa 5,500 ang bilang ng mga napapatay sa war on drugs ng pamahalaan simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Ito ay sa kabila ng mga batikos at puna na inabot ng kampanya na tumawag sa pansin sa United Nations Human Rights Council dahil umano sa mga extra judicial killings dito sa Pilipinas.

Pero, nanindigan ang PDEA na ang bilang ay mula sa lehitimong operasyon ng mga otoridad sa buong bansa.

Nilinaw din ng mga otoridad ang ipinalabas na datos kamakailan ng PNP na nagsasabing nasa 6,600 deaths na ang naitatala sa war on durgs.

Bilang naman ng mga naaresto sa buong bansa, umabot na sa 193,000

Sa buong kampanya ng war on drugs naaresto ang nasa 193,063 drug personalities sa kabuuuang nang ginawang mga operasyon sa buong Pilipinas.

Kabuuang P34.75 billion ng halaga ng mga droga ang nakumpiska.

Habang nasa 42,045 na mga barangay ang nasuyod sa gyera kontra droga.

Pero sa kabila nito, nanindigan ang PNP na hindi anti-poor ang drug war at nakabatay sa rule of law ang mga operasyon.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *