Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa NAIA pumalo na sa higit 100

Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa NAIA pumalo na sa higit 100

PUMALO na sa mahigit 100 na mga kawani sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang naitalang may kaso ng COVID-19

Sa huling tala ayon kay Manila International Authority o MIAA Spokesperson Connie Bungag, umabot na sa kabuuang 138 ang may kumpirmadong kaso ng sakit, 122 na ang nakarekober ,1 nasawi habang 15 naman ang may active cases sa NAIA.

Karamihan sa mga kawani ng MIAA na nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa airport police department, security and emergency services, intelligence and investigation division/intelligence assessment management division at iba pa.

Una na rin sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na walang dapat ipangamba sa operasyon ng paliparan dahil napakaliit lamang na porsiyento ang tinamaan ng naturang sakit mula sa kabuuang mahigit 4000 na kawani ng MIAA.

Wala rin umanong dapat ipangamba sa paliparan dahil mahigpit nilang sinusunod ang mga ipinatutupad na health protocols.

Ang no face mask at no face shield no entry ay mahigpit na ring ipinapatupad sa NAIA.

Para tiyak ang kaligtasan nito lamang linggo ay sinimulan na ngang ipinasara ni Monreal ang mga designated smoking areas sa apat na terminal ng NAIA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *