Bilang ng mga estudyante na nakabenepisyo sa scholarship ng gobyerno, tumaas —CHED

Bilang ng mga estudyante na nakabenepisyo sa scholarship ng gobyerno, tumaas —CHED

IGINIIT ngayon ng Commission on Higher Education o CHED na tumaas ang bilang ng mga estudyante na nakabenepisyo sa libreng paaral ng gobyerno.

Sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera, na tumaas sa 1.33 million na college students noong 2019 ang sakop ng scholarship program ng pamahalaan sa mga state universities and colleges at local universities and colleges sa bansa.

Sa ilalim na rin ito ng Free Higher Education Act o RA 10931 na naisabatas sa ilalim ng Duterte Administration.

Bukod pa riyan, ay tumaas din sa 557,000 ang mga mag-aaral na nabigyan ng college subsidy nitong 2019 mula sa 288,000 na estudyante noong 2018 sa ilalim ng Tulong-Dunong Scholarship Program.

Sa kabuuan ay aabot na aniya sa 1.79 milyon na mga college students ang natulungan ng CHED sa kanilang mga programa kumpara sa 1.47 milyon noong 2018.

Para sa fiscal year 2021, tumaas ng 6.39% ang pondo ng CHED sa halagang P50.9 bilyon kumpara sa P47.9 bilyon na pondo nito ngayong taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *