Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 3,000

Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 3,000

UMABOT na sa 351,750 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,139 na karagdagang bagong kaso ng coronavirus sa bansa ngayong araw, Oktubre 16.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 50,354 ang nananatiling active cases.

Umabot naman sa 294,865 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos itong madagdagan ng 786.

Habang nasa 6,531 na ang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ang DOH ng 34 new deaths dahil sa virus.

44 na karagdagang bagong kaso ng COVID-19 sa Taguig

Samantala, nakapagtala ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng 44 new coronavirus cases at 50 na karagdagang recoveries.

Dahil dito, pumalo na sa 8,227 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nasa 7,989 naman ang mga gumaling sa sakit.

Walang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya ito ay nananatili sa 60 na may 0.73% case fatality rate (CFR).

Habang ang bilang ng mga active cases sa Taguig ay umabot na sa 178 nitong Oktubre 15, 2020.

Mga gumaling sa COVID-19 sa QC, nasa 18,951 na

Umabot naman sa 89% o 18,951 ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City hanggang kaninang alas otso ng umaga.

Ito ay mula sa 21,295 na kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus na naitala ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Sa nasabing bilang, 1,749 ang kumpirmadong active cases sa lungsod.

Nasa 595 naman ang bilang ng mga nasawi na sa QC.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *