Biglaang pagsuporta ni VP Robredo sa NTF ELCAC, suportado ni General Eleazar

Biglaang pagsuporta ni VP Robredo sa NTF ELCAC, suportado ni General Eleazar

WALANG nakikitang problema si dating PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sa biglaang pagbabago ng isip ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa pagsuporta nito sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Eleazar, maganda naman talaga ang proyekto at layunin ng NTF-ELCAC at naiintindihan nito ang mga naunang pagkondena ni Robredo  dala ng kanyang emosyon

“The good Vice President must have been enlightened on the importance of the NTF-ELCAC in our collective goal of ending the communist insurgency in the country,” pahayag ni Eleazar.

“Gaya ng sinabi ng ating Bise Presidente, maganda ang proyekto at layunin ng NTF-ELCAC. Nagkaroon lang ng hindi magandang pagtingin dito dahil sa mga opinyong nabitawan na dala ng emosyon sa magkabilang-panig.”

Matatandaang, unang nang lumabas na kinondena ni VP Leni ang NTF-ELCAC dahil sa pangamba na maging ikalawang bersyon ito ng Oplan Tokhang ng pamahalaan.

Pero nitong Linggo lamang nang sabihin ni Robredo na suportado nito ang programa partikular na ang Barangay Development Program na malaking tulong lalo na sa paglaban aniya sa insurhensiya sa bansa.

“In fact, ‘yung Barangay Development Fund, I think that’s the best part of everything. Paniniwala ko, it is only through concepts like this that the problems of insurgency can be addressed upfront,” ayon kay Robredo.

Bukod naman kay Robredo, marami ring mga senador ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa implementasyon ng programa dahil sa anila’y posibleng pang-aabuso sa pondo nito.

Para kay Eleazar, simula palang aniya ng imlementasyon ng programa ay hindi siya tumutol dito.

“I have been rejecting calls for the abolition of the NTF-ELCAC since I believe the Barangay Development Program is instrumental in ending the country’s five-decade-old problem on communist insurgency,” ani Eleazar.

Samantala, bagama’t hindi siya pabor sa pag-aalis ng programa, pero sinusuportahan nito ang pagsusulong ng transparency at accounting sa bawat sintabo na ginugugol sa programa at sa mga proyekto nito.

“Instead of abolishing it, we should promote transparency by improving the monitoring of their projects and accounting of every single centavo spent for all the programs and projects under the NTF-ELCAC,” dagdag ni Eleazar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *