Biden, nanalo bilang bagong pangulo at nangakong pag-isahin ang Amerika

Biden, nanalo bilang bagong pangulo at nangakong pag-isahin ang Amerika

MATAPOS ang ilang araw ng pagbibilang ng boto ay tuluyan nang napanalunan ni Democrat Joe Biden ang pagkapangulo sa bansang Amerika.

Idineklara ng Associated Press ang pagkapanalo sa presidential race ni  Democrat Joe Biden.

Nanalo si Biden bilang bagong pangulo ng Amerika matapos makuha nito ang boto sa Pennsylvania na may 20 electoral votes.

Ang Pennsylvania ay dating sumuporta kay US President Donald Trump upang manalo sa pagkapangulo nakaraang apat na taon.

Sa unang talumpati ni Biden matapos ihalal bilang ika-46 pangulo ng Amerika, nangako ito na hindi hatiin ang bansa ngunit ito ay kanyang pag-isahin.

Nanalo rin ang running mate ni Biden na si Kamala Harris bilang kaunahang African American at South Asian American woman na maihalal bilang bise president sa kasaysayan ng bansa.

Samantala, mainit na pagbati naman mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinaabot kay Biden sa pagkapanalo nito laban kay Trump sa 2020 presidential elections.

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph ‘Joe’ Biden on his election as the new President of the United States of Americal,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Tiniyak naman ng Malakanyang na patuloy na makipag-ugnayan ang bansang Pilipinas sa bagong administrasyon ng President-elect Biden.

Nagpaabot din ng mainit na pagbati si Vice President Leni Robredo kay president-elect Biden.

My warmest congratulations to President-elect @JoeBiden and VP-elect @KamalaHarris! Your victory is an affirmation of the shared ideals on which the long friendship between our two nations stand: democracy, civil rights, faith, and inclusivity. I pray for you success!”  ayon sa Tweet na ibinahagi ni Robredo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *