bidding
National

Bidding para sa joint oil exploration sa bansa opisyal ng binuksan

OPISYAL nang binuksan ngayong araw ang bidding para sa joint exploration sa oil at petroleum reserve ng bansa.

Para sa lahat ng interesadong foreign service contractors.

Tatagal ang bidding process sa loob ng 180 days sa ilalim ng Philippine Conventional Energy Contracting.

Sa pangunguna ito ng Department of Energy at mga existing operator partners.

Gaya ng Total, E and P, Shell Philippines Exploration, PNOC-EC, Nido Petroleum,  Philodrill, PXP Energy, Galoc Production Co.

Dadaan sa masusing eksaminasyon ang bawat bidder sa pangangasiwa ng DOE Centralized Review and Evaluation Committee.

Ilan sa mga inisyal na naaprubahang lugar na sasailalim sa nasabing joint exploration ang Cagayan Basin, Eastern Palawan, Sulu, Agusan-Davao, Cotabato at Western Luzon.

Sa kasalukuang may 23 petroleum service contracts ang bansa kaugnay sa nasabing programa.

Nauna nang pinirmahan ni Pangulong Duterte ang isang oil exploration service contract.

Ito ay sa isang Israeli firm sa apat na area sa Eastern Palawan.

Inaasahan na makatutulong ang nasabing programa sa mas malawak na access ng kasalukuyang oil at petroleum reserve sa bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *