BFAR, tinukoy na ang ilang baybayin na positibo sa red tide

BFAR, tinukoy na ang ilang baybayin na positibo sa red tide

TINUKOY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang baybayin na nagpositibo sa red tide.

Ito ay base sa pinakahuling laboratory results ng BFAR at ng local government units (LGUs).

Kabilang sa mga lugar na nagpositibo sa red tide ay ang mga sumusunod:

  • Biliran Islands
  • Bohol (baybayin ng Dauis Town at Tagbilaran City)
  • Matarimao Bay sa Eastern Samar
  • Eastern Samar (Baybayin ng Guiuan)
  • baybayin ng Daram Island at Cambatutay Bay in Western Samar
  • Leyte (Cancabato Bay, Tacloban City at baybayin ng Calubian)
  • Western Samar (baybayin ng Zumarraga)
  • Carigara Bay sa Leyte
  • Masbate (Milagros)
  • Negros Oriental (Tambobo Bay in Siaton)
  • Palawan (Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City, Inner Malampaya Sound sa Taytay)
  • Sorsogon (Sorsogon Bay)
  • Davao Oriental (Balite Bay, Mati City)
  • Surigao del Sur (Hinatuan)
  • Zamboanga del Sur (Dumanquillas Bay)

Dahil dito, inabisuhan ng BFAR ang mamamayan na huwag kumuha o kumain ng shellfish na nagmula sa mga nabanggit na lugar.

Pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, hindi ligtas kainin ang “alamang” na mula sa mga naturang baybayin na may red tide.

Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango, pero, dapat lamang itong hugasan nang maigi at alisin ang mga lamang loob bago ito lutuin.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *