red tide
Health

BFAR, muling naglabas ng red tide advisory

NAGBABALA na naman ngayon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa publiko hinggil sa red tide toxins na nagpositibo sa mga shellfish na nakuha sa ibat ibang karagatan sa Luzon at Visayas.

Batay sa Red Tide Shellfish Bulletin na inilabas ng BFAR ngayong araw positibo sa nakalalasong toxin ang mga shellfish na hinango sa karagatang sakop ng Sual sa Pangasinan; coastal waters ng Pampanga; coastal waters of Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay and Samal); Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; coastal waters sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Irong-Irong, San Pedro, at Silanga Bays sa Western Samar.

Positibo rin sa red tide ang nakuhang shellfish sa Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte.

Dahil dito mahigpit na ipinagbabawal ang paghango, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish sa mga nabanggit na lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *