BFAR
Regional

BFAR at DA, mamamahagi ng tulong pinansiyal at libreng bangka sa 22 Pinoy fishermen

NAMAHAGI ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR at ang Department of Agriculture ng tulong pinansyal at pangkabuhayan sa 22 Pinoy crewmen ng FB Gem-Ver 1 na biktima ng hit and run sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ginaganap ang pamamahagi ng mga bangka sa Municipality of San Jose sa Occidental Mindoro.

Nasa labin isang fiber glass na bangka ang ipamamahagi sa nasabing mga Pinoy at  nagkakahalaga naman ng P25, 000 cash ang ibibigay din bilang paunang tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng insidente.

Bukod sa mga bangka, nagbigay din ang pamahalaan ng karagdagang bigas sa 22 mga Pilipinong mangingisda ng Occidental Mindoro.

bigas
Bukod sa mga bangka, nagbigay din ang pamahalaan ng karagdagang bigas sa 22 mga Pilipinong mangingisda ng Occidental Mindoro.

Nilinaw ng Agriculture Dept. na ang pera ay babayaran ng mga mangingisda sa loob ng tatlong taon na walang interes.

Umaasa ang mga kinatawan ng ahensiya na agad na makapagsimula sa hanapbuhay ang mga mangingisda.

Nauna nang pinawi ni Agriculture Sec. Manny Piñol na walang dapat na ikatakot ang mga Pinoy fishermen at kailangan nilang ituloy ang kabuhayan sa laot.

 

 

 

 

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *