Beteranong photographer na si Raymund Isaac, pumanaw na

Beteranong photographer na si Raymund Isaac, pumanaw na

BUMUHOS ngayon ang pakikiramay para sa naulila ng beteranong photographer na si Raymund Isaac.

Sa pamamagitan ng kanilang mga personal account, nagpaabot ng taos pusong pakikiramay ang mga kilalang showbiz personalities na nakatrabaho ng photographer.

Kabilang dito sina Sarah Geronimo, Angel Locsin, Asia’s Songbird Regine Velasquez, Lea Salonga, Zsa-Zsa Padilla, Xian Lim, Kokoy de Santos at Dingdong Avanzado.

Si Raymund Isaac ay nasawi dahil sa COVID-19 habang naka-confine sa San Francisco California at kinumpirma naman ito ng kanyang kapatid.

Mababatid na noong Hulyo bente kwatro ay ipinaalam mismo ni Raymond sa kanyang Facebook post na isinugod siya sa California Pacific Medical Center sa Amerika dahil sa kakulangan ng oxygen.

Si Raymund ay kilala rin bilang producer, host, content writer at author at mentor ng aspiring photographers at industry creatives.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *