“persona non grata”
Showbiz

Beteranang singer na si Leah Navarro, ideneklarang “persona non grata” sa General Santos City

Idineklarang “persona non grata” ng General Santos City ang dating aktres at beteranang singer na si Leah Navarro.

Ito ay matapos ang naging reaksyon ni Leah sa tweet ni dating supreme court spokesman Theodore Te kaugnay sa magkakasunod na lindol sa Mindanao na tila nagpapahiwatig na isang kabayaran ang naturang unos.

Bagaman humingi na ng tawad at binura na ng singer ang naturang tweet ay napagdesisyonan ng Gensan council ang pagbabawal kay Leah na magtungo at tumapak sa naturang lungsod.

Sinasabi ding “unanimously approved by the council” ang desisyon.

Iginiit sa resolusyon na walang karapatan ang singer na ipahiwatig at akusahan ang mga taga-Mindanao na mga makasalanan at pinarurusahan ng maykapal.

Magugunitang umani ng batikos sa social media ang “retribution” tweet ni Leah noong Oktubre a-31.

Harry Styles, maglalabas ng panibagong album sa December

Nakatakdang maglabas ng panibagong solo album ang dating One Direction member na si Harry Styles.

Nagkagulo ang mga fans nang ibahagi ng dating boyband member sa social media ang cover para sa kaniyang second album.

May pamagat na “Fine Line” ang naturang studio album na nakatakdang ilabas sa December 13.

Noong nakaraang buwan lang nang ini-release ni Harry ang kaniyang single na “Lights Up” na agad na umangat  sa no.17 spot ng Billboard Hot 100.

Tinatayang binubuo ng 12 awitin ang “Fine Line”.

2017 pa noong inilabas ni Harry ang kaniyang self titled album sa ilalim ng Columbia records.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *