Ben Simmons
Sports

Ben Simmons, maglalaro para sa Australia sa 2019 FIBA World Cup

KABILANG ang Philadelphia 76ers star Ben Simmons sa mga NBA players na maglalaro para sa Australia sa darating na 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa huling araw ng buwan ng Agosto.

Opisyal na inanunsyo ng Basketball Australia ang roster para sa initial 17-man squad para sa 2019 FIBA World Cup na magtatagal mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Pangunahan ni Simmons ang puwersa ng NBA players kabilang si Deng Adel mula sa Cleveland Cavaliers; Aron Baynes (Boston Celtics), Andrew Bogut (Golden State Warriors), Jonah Bolden(76ers), Matthew Dellavedova (Cavaliers), Joe Ingles (Utah Jazz) at Patty Mills (San Antonio Spurs).

Maglalaro ang Australia sa apat na warm-up games bago ang FIBA World Cup kungsaan ay makakaharap nito ang Canada sa Perth ngayong Agosto 16 at 17.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *