Ben Simmons
Sports

Ben Simmons, lumagda ng 5-year contract extension sa Philadelphia 76ers

MAGPAPATULOY sa paglalaro sa Philadelphia 76ers ang point guard na si Ben Simmons.

Ito ay matapos lumagda ng 5-year extension contract ang maglalaro sa Philadelphia.

Nagkakahalaga naman ng US$170 million ang maximum contract deal ng 6-foot-10 player.

Kung titingnan naman ang standing ni Simmons ay nakapag-average na ito ng 16.4 points, 8.5 rebounds at 7.9 assists sa kaniyang dalawang season sa Philadelphia 76ers.

Matatandaang naging NBA Rookie of the Year ang No. 1 overall pick ng 2016 NBA Draft na si Ben sa 2017-2018 Season.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *