magsisimula na
Sports

Beermen at Hotshots, magsisimula na ang Game 1 ng finals

MAGSISIMULA na mamaya ang mainit na sagupaan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa finals ng PBA Philippine Cup.

Target ng dalawang champion teams na ma-ipanalo ang unang game ng kanilang best-of-seven final series, sa Araneta Coliseum, mamayang alas-7:00 ng gabi.

Sinabi ni SMB Coach Leo Austria na pagdating sa championship ay walang malakas o mahina dahil pareho lamang ito.

Sa panig naman ni Hotshots coach Chito Victolero, laging crucial ang Game 1 at parehong fresh ang dalawang team.

Lalo na’t naging mas mahaba ang kanilang pahinga at ang importante aniya ay lalaban sila para sa kampeonato.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *